Mga Tula Na Hindi Ko Sana Isusulat
₱350.00
Sa pagitan ng mga tanong at pananahimik, may mga salitang natutong maglakad palapit sa sarili.
Ito ang koleksyon ng mga tulang isinulat hindi para magpakasining, kundi para subukang sagutin ang mga tanong, harapin ang mga hamon, at sabihin ang mga salitang hindi man lang maibulong. Mula sa lihim na mga panalangin hanggang sa malalim na pagtingin, sa mga gabing puno ng pagod hanggang sa mga umagang may mainit na pagkaing naghihintay—ang bawat pahina ay piraso ng alaala, haplos ng pag-asa, at pagyakap sa sakit na minsang tinakasan.
“Hindi ko naman talaga plano na magsulat ng tula,” ang sabi ng awtor. Pero minsan, ang puso natin ang sumusulat para sa atin.
Para ito sa mga nilalamon ng katahimikan. Para sa mga umaasang marinig. Para sa ‘yo, kung sino ka man, na baka sa wakas, ito na ang tula na matagal mo nang kailangan.



